Marikina City

Marikina City

Introduksyon
Bawat isa sa atin ay ipinagmamalaki ang kanyang bayan na kinagisnan. Sino ba naman ang ikakahiya ang pook kung saan niya, marahil, naranasan ang lahat?
Sa isang ospital sa Pasig ako ipinaganak at sa San Mataeo, Rizal nananahan ngunit sa Marikina na ako halos lumaki. Mas malapit kasi ang aming tahanan sa Marikina kaysa sa ibang bayan ng Rizal. Dahil nga sa Marikina na ako lumaki, nakagisnan ko na rin ang mga tradisyon nito at nakita na rin ang mga kahanga-hanga nitong mga katangian.
Itinanghal bilang Shoe Capital of the Philippines and Marikina kung kaya’t sapatos ang unang pumapasok sa isipan ng maramihan kapag mababanggit ang salitang “Marikina.” Matitibay ang mga sapatos na gawang Marikina. Marahil ay tunay ang pahayag na ito dahil marami pa rin ang tumatangkilik ng mga sapatos nito at isa na ang aking pamilya roon. Ang isang sapatos ay nagamit ko sa loob ng tatlong taon bago ko naisipang palitan ng isa pang gawang Marikina.
Itinuring din bilang “Healthiest and Most Liveable City” ang Marikina ng World Health Organization. Marahil ay dahil na rin sa pagsisikap ng mga mamamayan para panatilihing malinis and kapaligiran at upang mapalago pa ang mga biyayang ipinagkaloob sa bayang ito.
Bukod sa sapatos, marami pang maipagmamalaki ang baying ito tulad na lang ng mga kapistahan dito, ang makulay nitong kasaysayan at pati na rin ang mga magagandang pook pasyalan.
Topograpiya at Heograpiya
Ang Lungsod ng Marikina na napapalibutan ng bulubundukin at nahahati ng isang ilog, ay isa sa labing-tatlong lungson at apat na munisipalidad na bumubuo sa kalakhang Maynila. Humigit kumulang dalawampu’t isang kilometro ang layo nito mula sa Maynila. Sa silangan ng lungsod matatagpuan ang bulubundukin ng Sierra Madre. Sa kanluran naman nito ang burol ng lungsod ng Quezon. Sa hilaga, makikita ang bayan ng San Mateo at sa timog ang Pasig at munsipalidad ng Cainta.
Dahil ang lungsod ay isang lambak na nasa pagitan ng mga bulubundukin at burol, ang...

Similar Essays