Ano Ang Magandang Sistema Ng Lipunan Kapitalismo O Komunismo? ]

Ano Ang Magandang Sistema Ng Lipunan Kapitalismo O Komunismo? ]

Ano ang magandang sistema ng lipunan kapitalismo o komunismo?
]
Iba’t iba ang sistemang pang-ekonomiya ng iba’t ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang Kapitalismo, Komunismo, Sosyalismo at Pasismo. Kapitalismo ang karaniwang umiiral sa mga bansang demokratiko, gaya ng Estados Unidos, Hapon, at sa ating bansa, ang PIlipinas. Sa mga komunistang bansa naman gaya ng China at Cuba, umiiral ang Sosyalismo at Komunismo. Kapitalismo at Komunismo, ang dalawang sistemang pangkabuhayan na sadyang magkasalungat. Ano ba ang pagkakaiba at pagkakapareho ng dalawang sistemang pangkabuhayan na ito? Ano ba ang mga kapakinabangan ng mga ito? Ano rin naman ang hindi magagandang epekto?

Napapaloob sa sistemang komunismo ang diktadurya ng manggagawa. Naisin ng sistemang ito na magpalaganap ng lipunan na kung saan pantay-pantay ang mga tao ano man ang kanilang katayuan sa pamumuhay. Pero kung ako ang tatanungin ang gusto ko ay kapitalismo, pribadong pagmamay-ari at malayang gumawa ng pagkakaperahan. Mas maganda ang kapitalismo. Unang dahilan, nahihimok ang mga tao na magnegosyo at umasenso sa sariling mga kamay. Pangalawa, ang pag-asenso ng mga tao ay mas mahalaga at ang magiging dahilan kung bakit aasenso ang isang bansa. Pangatlo, responsibilidad ng bawat isa ang tulungang umasenso ang kapwa para gumanda ang kabuhayan. At ang pinakamaganda sa ganitong sistema ay ang pagkakaroon ng demokrasya, na kung saan nagkakaroon ng kalayaan ang mga tao na maglabas ng kanilang mga saloobin na nauukol sa gobyerno.

Maganda rin naman kung may pagkakapantay-patay ang mga tao, dahil wala ng mayaman o mahirap. Ngunit sa ganitong sitwasyon, mayroon pa kayang mangangarap ng mataas at magsikap para maabot ang mga ito? Kung ipinanganak ka mang mahirap, hindi mo na iyon kasalanan, mapalad ka pa nga dahil nabigyan ka ng pagkakataong makaranas ng tunay na tagumpay sa kabila ng paghihirap. Kaya ang masasabi ko lang, mapalad ako at kapitalismo ang sistema ng lipunan sa aking tirahan, ang Pilipinas.

Similar Essays